Maraming mga kababalaghan ang nagaganap sa bansang ito na hindi maipaliwanag ng siyensiya. Kasama na rito ang mga penomena kung saan "nakukulam o nababarang" ang isang tao. Ang isang mangkukulam ay kadalasan isang taong may kakayahang gumamit ng itim na "mahika" para gumawa ng masama sa isang kapwa, pero kadalasan napipilitan lang rin silang gawin ito.