Halfie - terminong gamit para sa mga batang may pinaghalong lahi. Dahil mayroong base militar ang mga Amerikano sa Angeles, laganap ang prostitusyon sa lugar na ito. Kung kaya marami ring mga batang mukhang may lahi na anak ng isa sa mga babaeng ganito ang layon ng trabaho. Marami sa mga batang ito ay maaring hindi kilala ang kanilang ama o kaya iniwan ng ama matapos ang pagkaka-assign sa bansa.